Leaderboard

Tuesday, November 9, 2010

Stairway To Heaven: Song lyrics

Pag-Ibig Ko'y Pansinin

By Carmela "Faith" Cuneta
Stairway To Heaven Tagalog opening theme song
Words by: Romer N. Timbreza
Music and Arrangement by: Elmer Blancaflor

(Stanza 1)
Narito ang pag-ibig ko,
Ibibigay nang buong-buo.
Nangangarap nang mag-isa,
Umaasa na makapiling ka.

(Stanza 2)
Narito ang buhay ko,
Nakalaan para sa iyo.
Naghihintay ng pag-asa
Na sana ay iyong madama.

(Chorus)
Langit ka, (at) lupa ako.
Hanggang tanaw na lang ba tayo?
Mahal kita, mahal mo ba ako?
Hanggang pangarap na lang ba ito?
Kaya kong gawin ngunit di kayang sabihin...
Ang pag-ibig ko sana'y mapansin.

(Stanza 3)
Narito ang awit ko,
Ang himig nitong puso.
Naglalarawan ng pagsinta,
Nagbibigay ng sigla't saya.

(Repeat Chorus)

(Bridge)
Ang pagtingin mo't pagmamahal
Damdaming iingatan nang kay tagal.

(Repeat Chorus)

No comments:

Post a Comment

thanks for the comment :)

Large Rectangle

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...